Home » Archives » 14. October 2011
iwas
October 14, 2011Kung ako ikaw.
Kung Ako Ikaw,
Iiwas ka ba o Lalaban kahit alam mong talo ka na.
Mahal ko na sya’t ipagpatuloy o Piliin ang lumimot para maiwasan ang masaktan.
Hintayin mong mahalin ka nya o Kalimutan sya habang kaya mo pa.
Kung Ako Ikaw,
Ang manatiling kaibigan o Ipagtapat na mahal mo sya at sa huli ay mawala sya.
Maging masaya sa piling nya sa pekeng pagmamahal o Ang lumayo’t maging malungkot.
Mahalin kong higit ang sarili ko o Sya na kukumpleto sa kulang kong pagkatao.
Mananatili na nga lang ba kong isang aninong walang muka para sa’yo. Na naghihintay lang na sumikat ang araw para mapansin mo pero sa dilim ako ay nag-iisa dahil sa may isang ilaw na nagbibigay sa’yo ng ligaya pero sa likod mo ang isang aninong sunod-sunuran sa bawat hiling mo. Dahil sa ngaun kung wala ka….. Wala din ang aninong AKO.
Bakit nga ba mahal kita?
Hindi ko maipaliwanag. Bigla ko na lang naramdaman. Kaya heto kumukuha ko ng lakas para sabihin o iwasan ka. Hindi mo lang alam na maraming beses ko ng sinubukang sabihin sayo ang totoo pero nauunahan ako ng takot at hiya.
Kung Ako Ikaw,
Masisisi nyo ba ko kung hindi ko man sabihin sa kanya dahil sa isang dahilan……..
Natatakot akong hindian nya ‘ko!.




