Home » Archives » June 2008
STRANGER
June 1, 2008

nung minsan nakilala kita, nungminsan naging kaibigan kita, nungminsan nagmahal at nasaktan ako.
matagal na akong naghihintay na may dumating na estranghero sa buhay ko na mamahalin ako, at NAKILALA nga kita isa lang ang nasabi ko sa sarili ko “sya na kaya? sana nga…” sabi ng mga kaibigan ko masyado daw akong attached syo, nakalimutan ko na daw sila, may KAIBIGAN na daw kasi akong bago.
walang araw na di kita nakita at naka-usap, walang araw na di mo sinabing “ingat ka lagi! love you friend!” ako naman walang ibang sagot kundi “kaw din.” pag gabi tatawag pa makapag “goodnight” lang. ramdam ko na mahalaga ako sa estrangherong ito.
isang gabi tumawag ka nauutal di alam ang sasabihin, naguguluhan. laking gulat ko nalang nang sinabi mong “i love you”. di ko alam kung ano at papano ang gagawin ko nung oras na iyon. hindi ako nakatulog, bigla ko nalang narinig na nagbeep yung cellphone ko ngtext ka. sabi mo di ka rin makatulog.
lumipas ang isang buwan inamin kong mahal rin kita. hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. naging maganda ang pagsasama natin, lahat ng nakakaalam sa relasyon natin ay tuwang tuwa sa atin. sa lahat ng plano ko sa buhay kasama ka. ni minsan di kita inalis sa isip ko at alam ka rin.
apat na araw bago mag valentine’s day mag kasama tayo masayang masaya. ngunit dumating ang araw ng valentine’s ni tawag sa telepono wala akong natanggap mula syo, bukod sa isang text “di ako makakatawag nagkaayan eh.. chaka wala akong load bye. loveyou” nalungkot ako non pero ayos lang kasi naiintindihan kita, at ang alam ko mahal mo ko… ito ang pinaka malungkot kong valentine;s day. monthsary pa dapat natin yun.
dalawang araw na ang lumipas di ka parin nagpaparamdam. sabado tumawag ka syempre tuwang tuwa ako ang sabi mo “sorry di ako nakakatawag kasi grounded ako” ako naman okey lang” sabay sabi mong nagmamadali pa ” sige dito na sila eh tumakas lang ako bye I…” sabay tut tut tut… isang linggong di pagpaparamdam halos malokaloka na ko kakaisip kung ano na nangyari sayo. tumawag ako sa inyo kapatid mo sumagot ang gulat na gulat ng marinig ako at ibinigay sayo ng maka-usap kita ang sabi mo lang “pupunta ko Nueve ecija sa bakasyon” ako naman “ah ganun ba” KATAHIMIKAN… sinigawan kita lahat ng sama ng loob ko inilabas ko pero kahit anong salita wala akong narinig mula sayo. tinanong kita “ano ba gusto mong mangyari?” saka ka nagsalita “kool-off” sabay baba sa telepono.
nung gabing iyon wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. kinabukasan parang walang nangyari, wala akong pinagsabihan tungkol sa nangyari. ang alam nila OK lang ako at masaya, pag dating ng gabi chaka nag-iiyak. ang galing kong magpretend na napaka saya ko.
lumipas na ang dalawang taon hanggang ngayon naghihintay parin ako dito sayo. pero kahit bumalik ka man o hindi isa lang ang masasabi ko sayo, SALAMAT! dahil tinuruan mo akong magmahal, pinadama mo sakin kung gano kasarap ang may nagmamahal at tinuruan mo akong maging matatag.
“INGAT KA LAGI ESTRANGHERO”
(FROM: ANONYMOUS}




